Ms. Angel Locsin as DARNA
Matapos masalanta ang Metro Manila sa bagyong ONDOY nitong last weekend. Maraming mga grupo ang nagtulong-tulong para mabigyan ng relief goods ang ating mga kababayan. Lingid ng nakakarami na sa gabi ng sababo naglibot na si Angel Locsin para makita ang sitwasyon sa mga nasalanta. Noong gabi ding yun, namigay ang sikat na actress ng tubig at damit na pasi-unang tulong nya sa mga biktima. Nag-donate rin ang dalaga ng Php 500,000.00 pesos.
Kahapon nagpunta ang grupo ng dalaga kasama sina Candy Pangilinan, Erma Adlawan at mga kaibigan nito sa Payatas, Quezon City para magbigay ng tulong din sa mga nasalanta. Personal na nag-packing ang dalaga at binigay ang mga ito sa mga biktima. “Sila ang mas nangangailangan ng tulong dahil sila yung walang mapapatungan, walang second floor ang bahay. Wipe out talaga sila”, lahad ng aktres. Dumating din sa area ang Sagip Kapamilya ng ABS-CBN para magdala rin ng tulong.
Tulad sa kanyang ginampanang karacter in 2005 bilang DARNA pinatunayan ni Angel Locsin sa panahong ganito na siya ang tagapagligtas ng nangangailangan. Makita mo na may puso at bukas loob na tumulong hindi lang sa karakter kundi sa totoong buhay.
No comments:
Post a Comment